Tuesday, July 28, 2009

Sa Comp Shop

Nakakapagod. Nakakahomesick. Nakakaubos ng resources. MAHIRAP.

Kung ipapadefine siguro tung exercise na sinusubukan kong gawin, yan na lahat yun. Parang wala na akong ibang ginagawa kundi ito pero hindi ko pa rin natatapos. Hindi na nga ako umuusad.

Gusto ko pa man din umuwi. Yung mga iba kong kailangan, nasa bahay. Yung mga damit na medyo required sa subjects (running shorts para sa pe, etc), andun pa.

gusto ko rin sana matulog ng tama at gumising ng tama at umatend sa math, pero hindi ko nagagawa. haha. Kasi naman, hanggang ngayon nasa computer shop ako, nagsusubok na pumasok sa server na balak lang magbukas pag oras na ng classes ng mga tao, e hindi lang naman ito ang subject ko.

Dito sa comp shop una kong naramdaman yung sobrang pagod, sobrang lungkot at sobrang panic mode ng sabay sabay. Hay. At on too of all that, nagawa ko pang magblog.

11:30 na. Nagsasara yun gate namin ng 12. Hindi pa rin ako nakakaconnect.

No comments: