Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Friday, October 2, 2009

Last saturday in quotes

Note: This was originally posted in my multiply account.

Ayan, gagayahin ko ulit ung "Week in quotes" ni tiyo.

1. "Hindi na po kakayanin ng motor ko hanggang ministop. Ibaba ko na lang kayo sa mataas na lugar."
- - - - - - - - - - - - at ibinaba nya kami somewhere na hindi ko alam kung saan.

2. "Maglakad ka na."
- - - - - - - -- - - - galing kay dad, sa phone, nung malaman nyang nakatenga na ako sa isang terminal ng tricycle sa may maharlika sa may circle.

3. "Wala na. Sarado na ang Cubao."
- - - - - - - - - - - galing dun sa taxi driver.

4. "Dito na lang muna tayo iha. at least dito hindi umuulan. pero matagal pa bago to umandar."
- - - - - - - - - - - -sabi nung ale na nasa jeep din papuntang north sana.

5. "Hindi rin makakadaan yung mga tao dyan!" [sa commonwealth]
- - - - - - - - - - - -okay manong, nakatawid ako.

6. "Sh*t. yung tsinelas ko mapipigtas na!!"
- - - - - - - - - - - - buti na lang at hindi. haha. sken galing yan...habang nasa halos hanggang bewang na baha at matangay-tangay ng tubig.

7. "Miss, dito ka lang din ba hanggang bumaba yung tubig?"
- - - - - - - - - - - - sbi nung isang nasa mcdo na nag-antay din na bumaba yung tubig.

8. "tsaka ka na mandaya pag may fries na!"
- - - - - - - - - - - - galing kay ate bie. hehe. yey. buti na lang nakita ko sila.

9. "Tatlong beses akong nag-attempt umuwi."
- - - - - - - - - - - - roommate ko na taga-bataan din. at sinabi nya yan pagdating ko sa boarding house.

Tuesday, July 28, 2009

Sa Comp Shop

Nakakapagod. Nakakahomesick. Nakakaubos ng resources. MAHIRAP.

Kung ipapadefine siguro tung exercise na sinusubukan kong gawin, yan na lahat yun. Parang wala na akong ibang ginagawa kundi ito pero hindi ko pa rin natatapos. Hindi na nga ako umuusad.

Gusto ko pa man din umuwi. Yung mga iba kong kailangan, nasa bahay. Yung mga damit na medyo required sa subjects (running shorts para sa pe, etc), andun pa.

gusto ko rin sana matulog ng tama at gumising ng tama at umatend sa math, pero hindi ko nagagawa. haha. Kasi naman, hanggang ngayon nasa computer shop ako, nagsusubok na pumasok sa server na balak lang magbukas pag oras na ng classes ng mga tao, e hindi lang naman ito ang subject ko.

Dito sa comp shop una kong naramdaman yung sobrang pagod, sobrang lungkot at sobrang panic mode ng sabay sabay. Hay. At on too of all that, nagawa ko pang magblog.

11:30 na. Nagsasara yun gate namin ng 12. Hindi pa rin ako nakakaconnect.

Saturday, April 12, 2008

Mundo ng mga Bulag na Bata

Ang amoy ng ulan
Sa mabagyong umaga.
*
Kalamigang hatid ng mga ulap
Sa tanghaling tapat.
*
At sa lalim ng gabi
Ang boses ng mga tala.